6 na jail guards ng BuCor mahaharap sa kaso matapos masangkot sa ‘money-handling’ scheme

Anim na jail guards ng Bureau of Corrections ang mahaharap ngayon sa kaso matapos masangkot sa ‘money-handling’ scheme.

Ito ay makaraang makumpiska ng BuCor ang mahigit sa P300,000 cash na ipinatago ng mga persons deprived of liberty o PDLs.

Ayon kay BuCor Officer-In-Charge Gregorio Catapang Jr., nadiskubre ang cash-handling schme nung magtungo siya sa mga kulungan at nakita ang mga pera na itinago ng mga jail guards at empleyado sa loob ng mga locker ng BuCor.

Samantala sa isang hiwalay na panayam sinabi naman ni  Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mayroong mga katulad na scheme sa iba pang pasilidad at iba pang ahensya ng gobyerno.

Kinakailangan na umanong matugunan ang korapsyon sa loob ng BuCor at matigil ang pang-aabuso na ginagawa sa mga PDLs.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *