60% ng mga Pilipino pabor sa SIM card registration law – SWS

Pabor ang 60% ng mga Pilipino para sa SIM Card Registration Law.

Sa resulta sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa sa pagitan ng September 29 hanggang October 2 o isang linggo bago lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang naturang batas noong October 10., lumalabas na 17% lang ng mga respondents ang ‘disapproved’ habang 23% ang ‘undecided’.

Ito ay nagresulta sa net approval na 44%.

Ang may pinakamataas na net approval ay naitala sa Balance Luzon sa 47%, sinundan ng Mindanao sa 45%, Metro Manila sa 43%, at Visayas sa 34%.

Kaugnay nito, 66% ng mga tinanong ay naniniwala na ang SIM card registration ay makakatulong na labanan ang mga krimen na ginagawa sa pamamagitan ng cell phones, habang 25% ang undecided at 10% ang ‘disagreed’ na ang naturang batas ay makakapigil sa mga krimen.

Ito naman ay nagresulta sa net belief score na 56%.

Samantala, 48% ng mga Pilipinos ay pabor na ang SIM card sellers ay mapagkakatiwalaan ng private information ng mga buyers na magkakaroon ng access para sumailalim sa SIM Card Registration law, 33% ang undecided, habang 20% ang disagreed, na nagresulta sa net agreement score na 28%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *