6,426 new COVID-19 infections; Active tally, higit 59K

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 6,426 na mga bagong kaso coronavirus disease 2019, dahilan para sumipa ang total tally sa 1,322,053.

Ito na ang pang ika-apat na sunod-sunod na araw kung saan naitala ang mahigit 6,000 infections.

Dahil sa mga bagong kaso, bahagyang tumaas ang active cases sa 59,096, kung saan 91.8% dito ang mild, 3.9% ang asymptomatic, 1.8% ang severe, at 1.3% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, ang kabuoang bilang naman ng recoveries ay umakyat sa 1,240,112, matapos gumaling ang 7,145 pang pasyente mula sa respiratory illness, habang ang death toll ay tumaas sa 22,845 matapos maitala ang 57 na mga bagong fatalities.

Samantala, hindi naman nakasumite ng kanilang datos ang 10 laboratoryo. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *