65-anyos na ina sinaksak-patay sa San Jose Camarines Sur isang araw bago ang Mother’s Day

CAMARINES SUR- Halos maligo sa sariling dugo ang isang 65-anyos na nanay matapos na saksakin sa San Jose , Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP kinilala ang biktima na si Felicita Rosales -Delos Santos ng Brgy. Adiangao. Alas 8:00 kagabi Mayo 13, 2023 habang naglalakad sa labas ng kanilang bahay nang saksakin sa leeg ng suspek na si Wejay Reva, 30 anyos, binata at residente ng parehong lugar na kamag anak mismo ng biktima. Titingnan sana ni Delos Santos ang nakarating sa kaniyang impormasyon na pinukpok ng bote ang kaniyang apo.

Ayon sa kay PMAJ Rommel San Andres hepe ng San Jose MPS sa hot pursuit operation ng PNP nadakip si Wejay at kapatid nitong si Jeremy, napag-alaman na may kinakaharap pang kasong homicide sa ibang insidente.

Sa isang panayam kay Wejay, dumipensa siya sa umano’y grupo at hindi niya alam kung sino ang nasaksak niya sa dilim.

Ayon kay San Andres dati nang may hindi pagkakaunawaan ang pamilya ng biktima at ng suspek. Isasampa na ang mga kaso laban sa mga ito.

Ngayon hindi na nasilayan ng mga anak ni Cita ang magiging reaksyon ng Ina sa sorpresa sana nitong Mother’s Day. Hustisya ang sigaw ng pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *