Padre de pamilya, binaril-patay dahil umano sa away sa lupa sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay ang isang 52-anyos na padre de pamilya sa Ragay , Camarines Sur matapos na bariling ng hindi pa nakikilalang suspek.

Kinilala ang biktima na si  Rodenito Camacho y Quezada AKA “Badong” na residente ng Barangay Caditaan.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMAJ Bernardo Peñero, Chief of Police ng Ragay Municipal Police Station, alas 10:30 ng  gabi nang maiulat ang isidente at ala 1:20 na naireport sa kanilang himpilan.

Ayon sa asawa ng biktima na si Cherilyn Camacho, nakarinig sila ng putok ng baril. Nang tinggan sa labas , tumba na ang kaniyang asawa. Sa medical examination walong tama ang shot gun o posibleng improvised shot gun ang nakita.

Sinabi pa ng pulisya na away sa lupa ang nakikitang rason ng pamilya, mayroon na ring tinitinggang posibleng suspek sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *