7 NPA dala ang matatatas na kalibre ng baril, sumuko sa Cagayan

Sumuko sa pamahalaan ang pitong mga kasapi ng rebeldeng NPA dala ang matataas na kalibre ng baril sa lalawigan ng Cagayan.

Sumuko ang mga naturang rebelde na miyembro ng East Front, Komiteng Probinsya (KOMPROB) Cagayan, Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV) sa mga kasapi ng 77th Infantry Battalion (77IB), 5th Infantry (Star ) Division, Philippine Army, Marine Battalion Landing Team 10 (MBLT10) at local PNP sa Cagayan.

Dala ng mga ito ang iba’t-ibang matataas na kalibre ng M14 rifle na may isang magazine, two (2) M653 rifles na may magazine at kargado ng 35 ammunition, at  apat na M16 rifles.

Nasa edad 18-26 anyos ang mga sumukong rebelde at isa sa kanila ay babae.

Pinuri naman ni Lt. Col. Joe Boy Kindipan, Commanding Officer of 77IB, 5ID, PA ang pwersa ng pamahalaan sa matagumpay na pagbabalik loob ng mga naturang rebelde.

Photo/5ID PA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *