PRO2, nagbabala sa mga aplikante kaugnay sa mga scammer na nag-aalok ng tulong para makapasok sa PNP

Nagbabala ang pamunuan ng Regional Recruitment and Selection Unit ng Police Regional Office 2 sa mga magulang at mga nagnanais maging pulis kaugnay sa mga scammer na nag-aalok ng tulong upang makapasok sa PNP kapalit ang malaking halaga ng pera.

Ito ay kasunod ng pagkakahuli sa isang 22-anyos na babae na nagpanggap na Police Major at nangikil sa mga PNP applicant at tumangay ng motorsiklo ng isa sa mga biktima nito sa ikinasang entrapment operation ng mga otorida sa Cabagan, Isabela.

Ayon sa kapulisan, umaabot sa 750,000 pesos ang pinakamataas na halaga na hinihingi ng suspek sa mga binibiktima para maipasok umano sa PNP o AFP.

Kaugnay nito ay nilinaw ni PCol. Augusto Bayubay na ang recruitment process sa PNP ay nakabase sa merit and fitness at equal opportunity para sa mga qualified applicants.

Bingiyang-diin din nito na walang bayad ang pagpasok sa hanay ng pambansang kapulisan.

Tiniyak din ni PCol. Bayubay na hindi nila hahayaan na magkaroon ng iregularidad sa recruitment process ng PRO2.

Mahigpit din na ipatutupad ang kautusan ni PNP Chief Gen. Elezar Guillermo nang malinis at patas na pagpili sa mga aplikante sa pamamagitan ng QR code system.

Photo/PRO2

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *