Na-detect sa Pilipinas ang 711 na bagong kaso ng omicron COVID-19 subvariants.
Batay sa COVID-19 biosurveillance report ng Department of Health, 264 ang inuri bilang BA.5, 259 bilang BA.2.3.20, 72 bilang XBB, 28 bilang XBC, 4 bilang BA.2.75, 3 bilang BA.4, at 81 iba pang omicron sublineages.

Ayon naman sa National COVID-19 Vaccination Dashboard, 79 milyon na Pinoy na ang kumpleto ang bakuna laban sa COVID-19.
24 milyon katao naman ang nakatanggap na ng kanilang unang booster habang 4.5 milyon ang mayroon ng pangalawang booster.//CA