72 PDL sa provincial jail, patuloy na nag-aaral sa kolehiyo kahit nakakulong

KORONADAL CITY- NASA 72 mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC) ang nagpapatuloy ngayon sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo kahit na nasa loob na ang mga ito ng bilangguan.

Ang naturang mga PDL ay enrolled sa Green Valley College Foundation at may kursong Bachelor of Science in Business Administration sa ilalim ng modular mode of instruction.

Inihayag ni OIC Jail Warden Lory Celeste na libre ang naturang programa at bahagi ng kanilang rehabilitation efforts.

Samantala, may 20 mga PDL na nakapagtapos ng elementarya sa ilalim ng Alternative Learning System o ALS, at 10 naman ang nagtapos sa sekondarya.

Maliban dito, may mga PDL din na recipient ng scholarship program ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa Electrical Installation at nakapasa na sa NC II assessment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *