75% ng target population sa Albay, bakunado na kontra COVID-19

BNFM BICOL—Umabot na sa 75% mula sa kabuuang target population ang vaccination coverage sa lalawigan ng Albay batay sa inilabas na datus ng Provincial Health Office.

Sa tala ng tanggapan, ang nasabing bahagdan ay katumbas ng 858,786 na mga indibidwal kung saan 70% rin nito ang ikinokonsidera nang fully vaccinated.

Ang bayan ng Oas ang may pinakamaraming nabakunahan na umabot na sa 97% ng kanilang target; sumunod ang Legazpi City na may 94%; ang lungsod ng Tabaco ay may 79%; pawang 70% ang lungsod ng Ligao at bayan ng Pio Duran; 67% sa Bacacay; pare-parehong 66% ang mga bayan  ng Malinao, Sto. Domingo, Camalig at Jovellar.

Samantala, nasa 64% na rin ang mga vaccinated individuals sa bayan ng Malilipot; 63% sa Daraga: 62% sa Libon at Manito; 61% sa bayan ng Guinobatan: may 57% ang Polangui habang may pinakamababang bilang naman ng mga bakunadong indibidwal ang islang bayan ng Rapu-Rapu na mayroong 36% lamang.

Sa kabuuan, umaabot na sa 1,138,955 na mga Albayano ang bakunado na kontra COVID-19 na katumbas ng 80% ng populasyon sa probinsya.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *