RHU-Virac, Catanduanes, magbabakuna sa mga residenteng wala pa ring 2nd dose ng Sputnik V o Gamaleya vaccine

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng Rural Health Unit sa bayan ng Virac, Catanduanes na magsasagawa ng vaccination roll out o pagbabakuna ang kanilang grupo ngayong araw para sa lahat ng mga residente ng bayan na Gamaleya o Sputnik V ang natanggap na first dose ng bakuna at hanggang ngayon ay hindi pa rin natuturukan ng second dose nito.

Ayon sa RHU, isasagawa ang pagbabakuna sa Virac Sports Center ngayong Huwebes kung saan magiging bukas din ito para sa iba pang mga nais tumanggap ng bakuna.

Hinihikayat din na magpabakuna ng first dose ang mga batang edad 12 hanggang 17-anyos o ang mga kabilang sa pediatric population; mga kabilang sa adult population edad 18-anyos pataas na wala pang first dose ng kahit anong bakuna, habang abilable rin ang pagbibigay ng second dose ng lahat ng brand ng bakuna  gaya ng Pfizer, Sinovac, AstraZeneca, Gamaleya at Moderna.

Samantala, para naman sa booster shots, ang mga residenteng tumanggap ng first at second dose ng SINOVAC, ay pwedeng pumili ng Sinovac o Moderna bilang booster habang ang mga tumanggap naman ng Astrazeneca, Moderna, Pfizer, Janssen at Gamaleya bilang kanilang first at second dose, ay maaaring turukan ng Moderna bilang booster vaccine.

Paalala ng RHU, huwag kalilimutang dalhin ang vaccination card, valid ID, birth certificate, sariling ballpen, baong  tubig o pagkain at magsuot ng facemasks.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *