8 patay sa paglubog ng cargo vessel sa Japan

Walo katao ang patay kabilang ang anim na Chinese matapos lumubog ang isang cargo vessel sa baybayin ng Japan.

Ang 6,551 tons na Jin Tian cargo vessel na may lulan nA mga tripulante mula sa China at Myanmar ay nagpadala ng distress signal sa mga awtoridad mula sa Danjo island sa southwestern Japan.

Maraming sasakyang pandagat at sasakyang panghimpapawid mula sa coast guard at militar ang naghanap at natagpuan ang 13 tripulante ng barko.

Nagpahayag naman ng pakikiramay si Lu Guijun, consul general ng China  sa anim na Chinese na kabilang sa mga nasawi sa insidente.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa dahilan ng paglubog ng barko.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *