Nahaharap ngayon sa kakulangan ng pagkain at gasolina ang bansang Peru dahil sa walang humpay na protesta na humihiling ng pagbibitiw ng kanilang Presidente na si Dina Boluarte.
Dose-dosenang roadblocks ang humahadlang sa freight deliveries sa timog ng bansa kung saan isinasagawa ang protesta.

Sa isang pahayag ni Boluarte sa isang regional summit, sinabi niyang hindi siya susuko sa mga authoritarian na gustong magpataw ng solusyon na hindi bahagi ng constituional order o democratic traditions ng bansa.
Ang mga protesta ay sumiklab matapos ang pagpapatalsik sa dating Pangulo na si Pedro Castillo kung saan 46 katao na ang namatay.//CA