Libreng sine sa mga senior citizen at PWDs, aprubado na sa Sangguniang Panlungsod

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon ang panukalang libreng sine para sa mga senior citizen at Person’s With Disability.

Sa  impormasyon na nakalap ng Brigada News, ang panukala ay inaprubahan sa ginanap na regular session noong Martes matapos ang ilang buwang mahabang pagpaplano.

Layunin ng ordinansa na magbigay serbisyo at kasiyahan sa mga senior citizens at PWDs sa lungsod sa pamamagitan ng libreng sine na labis namang ikinatuwa ng mga benepisyaryo.

Ang libreng sine ay planong isagawa tuwing araw ng Lunes at Martes ng bawat linggo.

Mababatid na ang nasabing resoluyon ay naisakatuparan sa tulong ng Lokal na Pamahalaan at SM Group of Companies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *