8 travelers mula sa S.Africa, di pa mahanap

Nasa walo pang mga travelers mula sa South Africa na kumpirmadong dumating sa bansa, pero hanggayong ngayon ay hindi pa nahahanap ng mga otoridad.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 253 travelers mula sa naturang bansa na dumating noong November 15 hanggang 29, kung saan 80 ang verified at nahanap na.

Sa gitna nito, ang 80 located travelers ay naretest na para sa COVID-19 na negatibo ang naging resulta, habang ang natitirang 76 ay hindi pa sumailalim sa retest.

Samantala, nagpapatuloy pa ang verification para sa natitirang 165 travelers. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *