80 karagdagang kaso ng Omicron subvariants na-detect sa Ph

Batay sa latest Covid-19 biosurveillance report ng DOH, mula sa mga samples na isinailalim sa sequencing nitong June 13, 54 na kaso rito ay inuri bilang Omicron XBB subvariant na  natukoy sa Western Visayas.

Kabilang dito ang 22 kaso ng XBB.1.16; siyam na XBB.1.5; walong XBB.1.9.1; limang XBB.2.3; at apat na XBB.1.9.2.

Samantala, mayroong 25 kaso ng BA.2.3.20 —18 dito ay mula rin sa Western Visayas, at pito mula naman sa Cordillera Administrative Region.

Maalalang nitong Lunes, na-detect sa Pilipinas ang kauna-unahang kaso ng Covid-19 Omicron subvariant FE.1. // CA, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *