80 mga bata at 40 buntis, benipisyaryo sa isinagawang anti-stunting advocacy ng Brigada News FM

Matagumpay na naisagawa ng Brigada News FM Legazpi ang isang gawain para sa adbokasiya tungkol sa Anti-Stunting at may temang: “Ina at Anak: Kalusugan Niyo ay Ating Yaman sa Brgy. 31, Sentro Baybay, Legazpi City, Albay.

Umabot sa 80 mga bata at 40 buntis ang naging benipisyaryo ng nasabing programa sa nasabing lugar.

Layunin nitong magbigay-kaalaman tungkol sa stunting o pagkabansot at magbahagi ng mga bagay na may kinalaman sa wastong nutrisyon upang maiwasan ito.

Dumalo sa gawain si National Nutrition Council (NNC) Bicol regional director Arlene Reario, kung saan tinalakay nito ang tungkol sa malusog na pagbubuntis, tamang pag-aalaga at pagpapalaki sa anak.

Nagbigay din siya ng mga payo sa mga magulang na may malnourished na anak na dapat malabanan ang pagiging bansot.

Naging katuwang naman ng Brigada News FM Legazpi ang Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) na binubuo ng ilang mga doktor tulad ng mga OB-Gyne na sina Dr. Katrina T. Dino at Dr. Krishalinda Mae Flores; Dr. Ryan Balang, Family Medicine; habang sina Dr. Suyen Gutay, Dr. Arriane Quite at Dr. Maria Leonor Reyes ay mga Pediatrician ng nasabing ospital; Badeth Alamares, midwife ng Legazpi City Health Office.

Naroon din ang punong barangay na si Teresita Lao Empig kasama ang kanyang barangay officials sa kaparehong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *