Mga byahero na fully vaccinated patungong Cauayan City via air travel; hindi na kailangang magprisinta ng negative antigen at RT-PCR test result

Binibigyan na ng Lokal na Pamahalan ng Cauayan City ng “green lanes” ang mga byahero na fully vaccinated na pagdating sa Cauayan City Domestic Airport.

Ito ay matapos ipalabas kahapon, June 30 ang EO no. 53 ni Mayor Bernard Dy na nagbibigay ng “green lanes” sa mga indibidwal na fully vaccinated na.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Atty. Reina Santos, ang tagapagsalita ng LGU Cauayan, nangangahulugan ito aniya na hindi na kailangang magprisinta pa ng negative antigen o RT-PCR Test result ang mga ito pagdating sa lunsod.

Aniya, kinakailangan lamang magprisinta ang mga ito ng vaccination ID o card na nagpapatunay ng kanilang vaccination status.

Nakasaad din sa naturang kautusan na maituturing na fully vaccinated na ang isang indibidwal kung natanggap ang second dose ng bakuna dalawang linggo bago ang nakatakdang byahe.

Ayon sa kaniya kahit nakapagpabakuna na ng second shot ng COVID-19 vaccine ang naturang byahero ngunit hindi pasok sa 2-week requirement hindi pa umano ito maituturing na fully vaccinated.

Nilinaw naman niya na pagdating sa City Airport ay sasailalim pa rin sa mandatory triage ang mga fully vaccinated traveler at nakadepende sa magiging assessment ng doctor kung irerekumenda ang strict home quarantine o hindi.

Gayunman, para sa mga hindi pa fully vaccinated na mga essential travelers ay kinakailangan pa ring magprisinta ng negative antigen at RT-PCR test result na 48 hours lumabas bago ang arrival.

Ayon pa kay Atty. Santos, nauna na rin silang nakipag-ugnayan sa Cebu Pacific para sa pagpapatupad ng naturang kautusan at mayroon na rin umanong sinusunod na guidelines kung paano nila susuriin ang mga dalang vaccination card ng bawat indibidwal.

Photo/ Cauayan APS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *