9 anyos na nagbibisikleta, labas ang bituka at nabalian ng binti matapos mabangga ng motorsiklo

Labas ang bituka at nabalian ng isang bente ang isang siyam na taong gulang na bata nang ito ay mabangga ng motorsiklo habang nagbibisikleta sa Highway ng Quezon, Palawan.

Ayon sa ama nito na si Niper Gobangco ng Barangay Panitian, Quezon, pauwi na kaninang umaga ang kanyang anak mula sa isang selebrasyon.

Nagmamaneho raw ng bisikleta ang kanyang anak habang angkas nito ang pitong taong gulang na bata ay bigla umano silang nabangga sa gilid ng kalsada ng motorsiklo na lulan ang tatlong katao kabilang ang drayber na babae.

Nagtamo rin umano ng mga pinsala sa katawan ang tatlong sakay ng motorsiklo pero sa inisyal na pag-uusap ay handa naman umano itong tumulong sa kanila.

Samantala, nananawagan ngayon si ginoong Niper ng tulong pinansyal para sa kinakailangan nilang deposit sa isang pribadong ospital sa Quezon bago umano ma-operahan ang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *