9 na delegado mula sa Palawan, Puerta Galera at UNACOM, darating ngayong araw para sa 1st International Biosphere Reserved na isasagawa sa Albay

LEGAZPI CITY – Ngayong araw ay isasagawa ang 1st International Biosphere Reserve sa lalawigan ng Albay ayon sa Provincial Tourism Cultural and Arts Office (PTCAO).

Ayon kay Dorothy Colle, head ng tanggapan, siyam na delegado mula sa Palawan, Puerta Galera at UNACOM ang darating sa Albay para sa pagsasagawa nito.

Aniya, magsasagawa rin ng seminar ang mga ito upang malaman kung papaano ang pagpreserve ng kapaligiran.

Maliban pa rito, ang delegado naman mula sa Bicol University ay ipapadala rin sa nabanggit na lugar upang turuan din sa pagpi-preserve ng kapaligiran.

Ang Biosphere Reserve ay nagtataguyod ng mga solusyong tumutugma sa konserbasyon ng biodiversity. Nag-aaral sila ng mga lugar para sa pag-unlad sa ilalim ng magkakaibang konteksto ng ekolohikal, panlipunan at pang-ekonomiya na nakakaapekto sa buhay ng higit sa dalawangdaan at limampung milyong tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *