Kaligtasan sa full implementation ng face-to-face classes sa Naga at Camarines Sur siniguro

NAGA CITY- Sinuguro ng Camarines Sur Police Provincial Office ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, mga personahe ng eskwelahan at ng publiko sa full implementation ng face-to-face classes.

Sinabi ni Provincial Director PCol. Julius Cezar Domingo, simula Agosto o sa pagbubukas ng academic  year 2022-2023 nakalatag ang kanilang mga personahe. Pinatibay ang koordinasyon sa mga barangay lalo’t nagkaroon ng insidente ng pang-aabuso sa apat na guro sa isang paaralan sa bayan ng Ocampo.

Sa Naga City naman “smooth sailing” ganito isinalarawan ni Camarines Sur National High School Principal Dr. Sulpicio Alferez  III ang full implementation ng face-to-face classes kahapon Nov. 2.

Paliwanag ni Alferez, noong Agosto pa, isinasaayos na ang lahat upang mas maging handa pa ngayong Nobyembre. Katunayan kahit noong Agosto ay full implementation na sila base sa guidelines.

Ang bawat  school building ay may security guard para sa kaligtasan ng estudyante lalo kung gabi na hanggang alas- 7:45 ang pasok , sa labas naman ang mga tanod at pulis pero payo ni Alferez mas maganda kung susunduin pa rin upang iwas kapahamakan lalo kung malayo ang bahay sa paaralan.

Ang PSO mula sa pagbabantay sa mga kalsada malapit sa sementeryo ay kaagad nag set up ng mga signages at  traffic barriers para sa kaligtasan ng mga pedestrians.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *