92 opisina at negosyo, nakatanggap ng parangal para sa 2022 search for 100% smoke-free establishment sa lunsod ng Legazpi

Umabot sa 92 na mga opisina at business establishments ang ginawaran sa isinagawang 2022 Search for 100% Smoke-free Establishments sa Legazpi City Convention Center.

Sa nasabing aktibidad ay binigyan ng plaque of commendation ang lahat ng mga nanalong establisyimento na kinabibilangan ng mga restaurants, baryo, ospital at ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Dr. Fulbert Alec Gillego ng Legazpi CHO, marami pang plano para sa susunod na taon, partikular na ang pagpapabuti ng pamantayan para sa mga establisyimento.

Binigyang-diin din nito na ang pagpapatupad ng ordinansa ay isang shared responsibility sa iba’t ibang grupo kabilang ang mga religious organization, national government agencies, business sector, law enforcers at ang CHO bilang lead implementing office.

Dagdag pa nito, ang sinumang taong titigil sa paninigarilyo ay makakatanggap ng ilang serbisyo tulad ng libreng chest x-ray, electrocardiogram (ECG), at higit sa lahat ang blood chemistry.

Sinabi pa ng opisyal, maglalagay ng mga billboard at signage sa mga pampublikong lugar, conveyance at iba pang mataong lugar bilang bahagi ng pagtataguyod ng Legazpi bilang isang smoke-free na lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *