Hiling ng Alkalde sa Sangguniang Bayan na pumasok sa Memorandum of Agreement ang LGU Basud sa ilang national government agency sinertipikahang urgent.

CAMARINES NORTE- Sinertipikahang urgent ni Mayor Adrian Davoco ang pagpasok sa Memorandum of Agreement (MOA) ng Lokal na Pamahalaan sa ilang ahensiya ng gobyerno.

Hiniling ng Local Chief Executive sa Sangguniang Bayan na bigyan siya ng authority na pumasok sa MOA sa pagitan ng LGU at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V para sa implementation ng KALAHI CIDSS for PWD project sa naturang bayan.

Nais din ng LGU na pumasok sa isang kasunduan sa pagitan nito at ng Commission on Population and Development- Region V para naman sa implementation ng sustainability of Population Program and Family Planning Services.

Nakasaad sa mga papasuking kasunduan na magiging benepisyal umano ang mga ito para sa LGU.

Hiniling din ng Alkalde sa konseho na magpasa ng resolusyon na naka- address kay Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na ikunsidera ang paglalaan ng pondo na nagkakahalaga ng P30, 000,000.00 para sa Farm-To- Market Road projetcs.

P20 million dito ay para sa concreting ng Pagsangahan Farm-To-Market Road habang P10 million naman ang para sa concreting ng Bactas- Mampili Farm-To- Market Road.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *