Rebel returnee, patay matapos mauwi sa engkwentro ang pagsisilbi ng arrest warrant sa mga dating kasamahan

Patay ang isang rebel returnee matapos na mauwi sa armed encounter ang pagsisilbi ng arrest warrant sa kanyang mga dating kasamahan sa hukbo sa Brgy Tigbao, Casiguran, Sorsogon.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, magsisilbi sana ng warrant of arrest ang mga personahe ng Reg’l Special Operations Unit ng Reg’l Intelligence Division 5 kasama ang ilang personahe ng Casiguran MPS at 1st PMFC laban sa mga akusado na sina Nicanor San Juan Florencio alias Ivan, Fernando Dialogo, lider ng Platun 1 at Rommel Sarzuela Hapa lahat kasapi ng L1, KP3, BRPC at nahaharap sa kasong murder.

Pinaputukan umano ng grupo ang paparating na arresting teams kung kaya’t gumanti din ng putok ang mga ito na nagresulta sa pagkamatay ni Caesar Garces Groyon, alias ‘Poloy,’ 50-anyos, may asawa at naninirahan sa Brgy Somal-ot, Casiguran.

Samantala nakatakas ang tatlong rebelde na subject sana ng arrest warrant.

Sa isinagawang clearing operations, narekober ng mga awtoridad ang dalawang kalibre 45 na pistola na may mga magazine, dalawang mahaba at isang maikling magazine para sa M16 rifle na kargado ng mga bala, isang walang laman na magazine para sa M16, isang magazine para sa kalibre 45 na pistola, dalawang magazine para sa kalibre 45 na pistola na kargado ng bala, isang hand grenade, mga assorted basyo ng bala at ilang personal na gamit ng mga rebelde.

Sa impormasyon na nakuha ng Brigada News, ang nasawing si Groyon ay isang rebel returnee.

Nagpapatuloy naman ang manhunt operations sa tatlong nakatakas na rebelde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *