World Cup winners Argentina, balik  Buenos Aires na

Dumating kahapon sa Ezeiza international airport sa Buenos Aires ang eroplanong naghatid sa World cup winners Argentina at ang kanilang captain na si Lionel Messi mula sa Qatar.

Nagtungo ang mga manlalaro  sa Argentine Football Association (AFA) training complex malapit sa airport, kung saan libu-libong tagasuporta ang naghintay na batiin sila.

Pagkatapos ay sinimulan nila ang paglilibot sa sentro ng Buenos Aires mula tanghali kahapon kung saan milyon-milyong residente ang nakilahok sa matagumpay na panalo ng bansa.

Si Messi, na nakapuntos ng dalawang beses sa finals, ay ang unang manlalaro na lumabas mula sa eroplano, hawak ang World Cup trophy kasama si coach Lionel Scaloni sa likuran niya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *