Labo District Hospital walang pangangailangang ibalik sa pagiging COVID- 19 dedicated facility

Camarines Norte-  Hindi kailangang ibalik sa pagiging COVID- 19 dedicated Hospital ang Labo District Hospital (LDH)  sa bayan ng Labo, Camarines Norte sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

Ayon kay Acting  Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco lahat naman kasi ng ospital mapa pampubliko man o pribado ay mayroong nakalaang kwarto para sa mga COVID- 19 patients

Batay umano sa kautusan ng Department of Health (DOH) ang mga pampublikong ospital ay dapat maglaan ng 30 % ng kanilang hospital beds.

Habang ang mga pribadong ospital naman ay dapat maglaan ng 10 % hospital beds para sa COVID patients.

Ang Labo District Hospital umano ay mayroong isolation building at tulad din ng Camarines Norte Provincial Hospital ay 30% sa bed capacity nito ay nakalaan sa mga COVID- 19 patients.

Matatandaan na ginawang COCID- 19 dedicated hospital ang LDH noong isang taon nang magsimula ang pakikipaglaban ng probinsiya sa virus.

Enero nitong taon nang muling buksan ng ospital ang iba pa nitong serbisyo at nagsimula na ring tumanggap ng pasyente na hindi COVID related.

Patuloy naman paalala ng mga kinauukulan na sundin ang mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay at social distancing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *