6 na sakay ng bangka sa Balabac tinulongan ng Coast Guard District Palawan.

Sinagip ng Coast Guard Station Balabac ang anim na pasahero o sakay ng isang bangka sa karagatan ng Brgy.  Ramos, Balabac, Palawan.

Ayon sa ulat ng Coast guard District Palawan, nitong ika-7 ng Hunyo 2021 bandang 7:40 ng umaga, habang nagsasagawa ng maritime patrol na gamit ang Aluminium Boat (AB-80), nakita ng mga tauhan ng Coast Guard Station Balabac ang isang hindi pinangalanang motorbanca na nakatigil sa dagat kasama ang pamilya na may anim (6)  sakay na humihingi ng tulong .

Agad na tumugon ang Search and Rescue (SAR) at tinulungan ang mga pasahero sa pamamagitan ng paglipat sa kanila sa AB-80.

Ayon sa kapitan ng bangka, dakong 6:00 ng umaga nitong ika-7 ng Hunyo ay  umalis sila sa Brgy.  Ramos, Balabac, Palawan papunta sana sa Sitio Matangule, Brgy.  Bancalaan ngunit habang  papunta ay hindi nila napansin ang piraso ng kahoy na tumama sa propeller kaya tumigil ang bangka sa tubig.

Ligtas na ipinadala ng Coast guard  ng SAR ang 6 na pasahero na sina: Arnel Ieniego, 51;  Vironica Ieniego, 35;  Charee Ieniego, 12;  Epoy Ieniego, 9;  Lalaine Ieniego, 8;  at Darren Ieniego, 6, sakay ng AB-80 at hinila ang kanilang bangka sa Sitio Matangule kung saan nakatira ang pamilya.

📷Coast Guard District Palawan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *