Pagdagsa ng libo-libong Muslim sa mga Mosque sa Naga at Camarines Sur sa nalalapit na pagsisimula ng Ramadan, pagpupulungan na

NAGA CITY- Pagpupulungan na ng mga kinatawan ng muslim sa Camarines Sur at Naga City ang pagdagsa ng mga kasama sa pananampalataya sa pagsisimula ng Holy Month of Ramadan.

Ayon kay Mike Mustapha Federation President ng Camarines Sur Muslim Community at Head ng Muslim Affairs Office sa Naga City, pag-uusapan nila ang security protocols at traffic control.

Tulad ng ibang mga pagtitipon balik na rin sila sa normal, pero ayon kay Mustapha hindi nila basta-basta isasantabi ang health protocols. Nasa mahigit isanlibo ang muslim sa Naga ngayon maliban pa ito sa pamilyang bumalik muna sa Marawi.  Sa mga distrito naman sa probinsya aabot ng tatlong libo pa.

Kailangan pa rin aniyang mag-ingat kaya ang mga nararapat na mag soot ng facemask ay magsuot pa rin. Pinapaiwasan din ang siksikan.

Samantala sa pagtatapos ng Ramadan o sa Eid al-Fitr , pag-uusapan muli kung puwede nang gamitin ng mga muslim sa Naga ang JMR Coliseum para ma accommodate ang mas marami.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *