Mga bagong motorsiklo na 200CC pababa, ginawa nang 3 years ang validity ng rehistro – LTO Bicol

LEGAZPI CITY – Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) Bicol na gagawin nang tatlong taon ang magiging bisa ng rehistro ng mga bagong motorsiklo sa bansa.

Ito ang inihayag ni LTO Bicol Regional Director, Francisco Ranches, Jr. sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Ranches, simula noong Mayo 15 ngayong taon, ang mga bagong motor na ilalabas na 200cc pababa ay pinapayagan nang magkaroon ng 3 years validity sa unang rehistro sa kanilang tanggapan.

Ito umano ay upang maging convenient sa tao at upang walang maging problema sa roadworthiness ng mga motorsiklong may tatlong taong rehistro dahil ang mga ito naman ay bagong sasakyan.

Lagyunin pa nitong mabigyan ng karagdagang kaginhawaan ang publiko pagdating sa mga transaksyon sa ahensya.

Naniniwala ang opisyal na ang hakbang na ito ay makakatulong sa maraming drayber na nagpaparehistro upang magamit sa kanilang hanap-buhay.

Sa datos ng LTO Bicol, sa loob ng isang taon, umaabot sa mahigit kalahating milyon ang mga nagpaparehistro at nagpapa-renew ng kanilang mga sasakyan sa rehiyon tulad ng four-wheel vehicles, utility vehicles, buses, trucks, motorcycle, tricycle, trailers at sports utility vehicles.

Nilinaw pa ng opisyal na ang mga motorsiklo na may makinang 200cc pababa ay kinakailangan pa ring magparehistro taun-taon pagkatapos ng tatlong taong taong bisa ng kanilang unang rehistro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *