Covid19 positive na nasa-home isolation, mataas ang bilang ayon sa Batangas IATF

Mataas ang bilang ng mga pasyenteng positibo sa Covid19 ang kasalukuyang nasa-home isolation lamang kumpara sa mga pasyenteng nasa mga isolation facility, hospital o nasa mga temporary treatment and monitoring facility at iba pang mga pasilidad base sa pinakahuling tala ng Department of Health Batangas.

Base sa pinakahuling tala, bumibilang sa 1,590 ang mga naka-home isolation kung saan nakapaloob dito ang 852 na asymptomatic, 708 ay may mga mild symptoms, 30 ang nakararanas ng moderate symptoms habang wala namang kaso ng severe at critical na pasyente ng Covid19 virus.

Sa home isolation, ipinaliwanag dito ni Provincial Health Officer Dra. Rose Ozaeta na pinapayagan ang home isolation kung ang nakukuha ng pamilya ang mga pamantayan na si-net ng DOH.

Ipinaliwanag ni Dra Ozaeta na pasok ang ilang mga LGUs sa pamantayan ukol sa home isolation, kinakailangan na ang pasyenteng naka-isolate sa bahay na may sariling kwarto, CR na basehan upang payagan ang home isolation ngunit ito ay kelangan na din madouble chek kung nasusunod base sa DOH advisory ukol sa home quaratine criteria.

inihalimbawa pa ni Dra Ozaeta na kung ang isang pamilya ay nagpositive sa virus ay pinipili na lamang ng mga ito na huwag magtungo sa paislidad kung saan kinakailangan na din na muling matingnan, nagpasubali pa rin naman ang opisyal na kung talagang kelangan naman talagang dalhin sa pasilidad ang pasyente ay may katiyakan naman na dinadala sila ng mga lokal na pamahalaan sa Batangas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *