Mga naghahanapbuhay sa gabi apektado ng pinaagang oras ng curfew

CAMARINES NORTE – Apektado ng pinaagang oras ng curfew ang mga naghahanapbuhay sa gabi dahil hindi anila sila makabwelo.

Maliban sa mga pang- gabing establisyimento, higit na apektado ang mga maliliit na na naglalako ng kanilang mga panindang sigarilyo, balut, mani, at mga street foods.

Bago pa lamang kasi mag alas 9 ng gabi ay pauwi na ang mga ito upang hindi abutan ng oras ng curfew.

Matatandaan na sa inilabas na Executive Order ng Provincial Government mahigit isang linggo na ang nakakalipas, ginawang alas 9 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga ang oras ng curfew.

Ito ay para malimitahan ang galaw ng mga tao sa gitna na rin patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

Sa naging panayam naman ng Brigada News FM Daet ay Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco inihayag nito na sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng curfew hours ay naiiwasan na magkaroon ng aktibidad na may maramihang tao lalo na sa mga inuman tuwing gabi.

Isa kasi ang pag iinuman sa sinasabing nagiging dahilan ng hawaan ng sakit ayon na rin sa Department of Health.

Ayon kay Francisco na siya ring Incident Commander for Health, ginagawa ang mga ganitong paghihigpit para na rin umano sa kabutihan ng nakakarami.

“Para naman ito sa kabutihan ng lahat hindi po ito sa kabutihan ng iilan lang para masugpo na natin o makontrol na natin at maibalik na natin ang probinsiya dun sa stage na kokonte lang o iilan lang yung nagkakaraoon ng kaso, mas maganda nga walang positive dito sa ating probinsiya,” ani Francisco.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *