Malapit nang umabot sa pitumpong porsyento ang bilang ng mga empleyado ng Subic Bay Metropolitan Authority ang fully vaccinated na laban sa corona virus disease.
Ayon kay SBMA Chairman & Administrator Atty. Wilma Eisma, sa 2,238 na empleyado ng SBMA ay fully vaccinated na ang 1,561 o katumbas ng 69.75% sa mga ito.
Nasa 513 naman dito ang naturukan na ng first dose habang nasa 164 na lamang ang hindi pa nababakunahan.
Samantala, inaasahan namang madadagdagan pa ang bilang ng mga fully vaccinated individuals dahil sa patuloy na pagdating ng mga bakuna.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: SBMA Media Production