Revalidation ng PDEA 12 sa mga drug-cleared barangays sa So.Cot, pinaigting

KORONADAL CITY- PINAIGTING pa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 12 ang revalidation ng mga barangay sa lalawigan ng South Cotabato na idindeklara ng drug-cleared upang masiguro na tuluyan nang mawala ang mga illegal drug activities dito.

Inihayag ni PDEA 12 deputy regional director Francis Del Valle na bagama’t idineklara ng drug-cleared ang isang barangay, maaari pa ring ma-revert ang status nito sa drug-affected dahilan kung bakit nagpapatuloy ang monitoring at revalidation ng PDEA upang mapanatili ang kanilang estado.

Sa datos ng PDEA- 12, 159 na ng 199 barangays ang drug-cleared habang 32 naman ang nananatiling drug affected. Apat naman ang unaffected at may apat din na drug-free.

Kabilang sa mga parameters ng assessment ang non-availability ng drug supply; kawalan ng drug-dependent, pusher o user; kawalan ng clandestine drug laboratory; active involvement ng mga barangay officials sa anti-drug activities; pagkakaroon ng drug awareness, preventive education and information programs at voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation processing desks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *