Aabot sa 280k voters sa Bicol Region nakapagparehistro na sa Comelec

LEGAZPI CITY – Pumalo na sa mahigit sa 280K ang naitala na nagpaparehistro sa Commission on Election (Comelec) para sa nalalapit na National and Local Elections 2022.

Ayon sa tanggapan, aabot sa 288, 608 ang kabuuhang bilang na nagparehistro sa ibat ibang lalawigan, munisipalidad at lunsgod sa comelec.

Ang lalawigan ng Camarines Sur mayroong kabuuhang bilang na na 106, 526 ang nagparehistro comelec, Albay – 46, 010, Camarines Norte – 42, 898, Sorsogon – 40, 540, Masbate – 38, 166 at ang lalawigan ng Catanduanes ay mayroong 14, 468 ang nagparehistro.

Ang Bicol Region ang isa sa pinakamataas na naitatala na nagpaparehistro sa comelec .

Dagdag pa nito, patuloy din naman ang pagsasagawa ng satellite registration sa ibat ibang barangay sa rehiyon.

Nilinaw rin nito tanging pinapayagan na magsagawa ng sattellite registration sa barangay kung walang nagpositibo sa covid 19.

Base rin sa Election Registration Board (ERB) hearing as of April 19 at May 3 2021 aabot na 3, 604, 199 ang kabuuhang bilang na mga nakarehistro na boboto sa darating election sa Bicol Region.

Nanawagan ngayon ang Comelec na huwag nang makikipagsiksikan sa huling araw sa pagpaparehistro sa buwan ng Setyembre 30 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *