Healthcare system sa S. Africa muling bumagsak dahil sa Delta variant outbreak

Muling naranasan sa South Africa ang kakulangan ng ospital dahil sa COVID-19 Delta variant.

Ayon sa report, inakala ng marami na makakalampas na ang South Africa sa pagbagsak ng healthcare system pero tila nabulaga pa ang marami nang magdagsaan ang mga pasyente sa mga ospital na dahilan para tanggihan na ng maraming ospital ang maraming pasyente dahil sa umaapaw nang bilang ng mga pasyente.

Sinabi ng ilang doktor na mas mapaminsala ang third wave ng COVID-19 pandemic kung saan walang pinipiling status sa buhay ang virus.

Patunay dito ang pagkamatay ng mayor ng Johannesburg City dahil sa COVID-19.

Base sa report, nasa 300 ang average ng death toll araw araw sa South Africa sa nakalipas na mga linggo

Sobrang bagal din ng vaccination program sa South Africa kung saan kung nasa average na anim mula sa 100,000 na tao lang ang nababakunahan sa bawat araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *