Abalos, pinamamadali na sa LGUs ang preps ng anti-illegal drug masterplan

Hinimok ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ang mga local government units (LGUs) na i-organisa ang kani-kanilang anti-illegal drug initiatives bago ang enggrandeng paglulunsad ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program.

Ayon kay Abalos, na ang kanilang anti-illegal drugs campaign ay kailangan ng whole-of-government approach, na magiging efficient lang kung maisasakaturapan ang mga plano gaya ng (LADPA) local anti-drug plan of action at BAPDA (Barangay Anti-Drug Plan of Action) pababa sa grassroots.

Giit ng kalihim, mahalaga na makikipagtulungan ang mga LGUs sa gobyerno at bumuo ng kani-kanilang LADPAs at BADPAs sa mga barangay.

Paliwanag ng DILG chief, na nakatutok ang national government sa pag-organisa ng massive anti-illegal drug campaign na magiging kasama ang grassroots gaya ng BIDA Program.

Paalala naman nito sa mga LGUs na isama sa kanilang LADPA/BADPA initiatives at efforts action plans ang magpapalakas sa kanilang kampanya laban sa ilegal na droga at i-specify ang mga programa at mga aktibidad na kailangan mabigyan ng budget allocation sa kani-kanilang annual budget na may kaugnayan sa anti-illegal drug efforts. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *