Sagñay, Camarines sur, kinilala bilang 2nd runner up na may pinakamalinis at masaganang karagatan sa Pilipinas

NAGA CITY – Nasungkit  ng Sagñay, Camarines Sur ang  2nd Runner Up na may pinakamalinis at masaganang karagatan sa buong Pilipinas sa isinagawang 2021 Malinis at Masaganang Karagatan Awarding Ceremony sa Quezon City.

Kung saan dumaan sa masusing pagsusuri ang karagatang sakop ng bayan, mga marine protected area, malinis na kapaligiran, epektibong konserbasyon ng mga bakawan o mangrove at ang kanilang mga Materials Recovery Facility o tapunan ng mga basura.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Myrna Sinaon, Municipal Agriculturist, sinabi nitong malaki ang pasasalamat ng LGU sa mga barangay maging sa mga ahensiya, ang tagumpay na ito ay alay para sa lahat ng taga Sagñay, dahil sa naging partisipasyon at pakikipagtulungan nila sa Lokal na Pamahalaan, mapanatili lamang ang kalinisan sa bayan.

Una na rin kasing napili at naging Regional Representative ang bayan sa parehong Gawad Parangal, mas pinalakas lamang ngayon at ginawan ng paraan makamit lamang ang kanilang layunin.

Dagdag pa ni Sinaon, mas paninindigan na ng bayan ang pagiging malinis at masaganang karagatan lalo na para sa kapakanan ng bawat mangingisda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *