Administrasyong Marcos Jr. alam umano ang kasunduan sa China – Chinese Embassy

Iginiit ng Chinese Embassy sa Pilipinas na hindi sekreto ang kasunduan sa West Philippine Sea dahil ipinapatupad ito ng China at Pilipinas hanggang sa unang pitong buwan ng Marcos Jr. administrasyon.

Paulit-paulit din daw ipinaliwanag ng Tsina sa kasalukuyang administrasyon ang mga detalye ng kasunduan.

Sinabi pa ng embahada, na inimbitahan umano ng Beijing ang special envoy ng Pangulo sa China na si UK ambassador at dating foreign affairs Sec. Teddy Boy Locsin.

Dagdag pa nito na nagkaroon ng internal understanding ang dalawang bansa.

Tinanggi naman ito ni Foreign Sec. Enrique Manalo na may pinasok na kasunduan ang DFA.

Ayon naman sa China, may napagkasuduan umanong bagong paraan sa pagtugon sa isyu sa Ayungin Shoal matapos ang maraming pag-uusap sa pagitan ng Tsina at Armed Forces of the Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *