Netizens, naantig sa video ng isang batang naghintay sa pila para sa face painting

Naantig ang mga netizens sa isang viral video ng bata na matiyagang naghihintay sa pila.

Isa kasi siya sa mga um-attend ng birthday party na nag-aalok ng libreng face painting.

Nang matapos ang lahat ng nakapilang bata na nagpagawa ng mga creative designs sa kanilang mukha, lumapit ang isang batang lalaki sa painter at tinanong kung may bayad ang magpagawa.

Agad na lumiwanag ang kanyang mata nang sabihing libre ang face paitning services, kaya’t agad rin itong nagpagawa ng spiderman mask sa kanyang mukha.

Ayon sa original poster na si Angelica Sioson, isa ito sa kanyang layunin bilang isang face painter. “To give kids a smile on their faces.”

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *