Mahigit 2 dekadang pagkatigang sa kampeonato sa Palarong Bicol pipiliting tuldukan ng Camarines Norte ngayong taon

CAMARINES NORTE – Pipilitin ng Camarines Norte na matuldukan ang dalawang dekadang pagkatigang sa kampeonato sa Palarong Bicol na gaganapin ngayong buwan sa Albay.

Ayon kay Division Sports Coordinator Nelson Gomez, sa kabila ng maikling panahong dibdibang training, kumpiyansa ang lalawigan na makakasungkit ng gintong medalya sa iba’t- ibang sports events.

Bukod sa athletics na ilang taon ding pinagharian ng Camarines Norte, kumpiyansa si Gomez na magbibigay ng magandang laban ang boxing na noong nakaraang taon ay hinirang na kampeon ang Camarines Norte, swimming, archery, wrestling at iba pang individual events.

Aminado naman si Gomez na  mahigpit ang labanan sa mga team events.

Matatandaang huling nag kampeon ang Camarines Norte sa Bicol meet noong mag host ito noong 2010.

Pagkalipas noon ay hirap na ang lalawigan na makakuha ng magandang pwesto sa Palaro at may taon pa ngang nag- pang anim ang lalawigan.

Noong nakaraang taon, second runner- up ang Camarines Norte sa 13 delegation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *