AFP Chief, nakikiramay sa burol ng 4 na sundalong nasawi sa Maguindanao Del Sur

Personal na binisita ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang burol ng apat na sundalong nasawi sa pananambang ng mga miyembro ng Daulah Islamiyah sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao Del Sur.

Dito ipinaabot ng AFP Chief ang taos pusong pakikiramay sa naulilang pamilya ng apat na sundalong sina
Private Marvin Dumaguing, Private Jessie James Corpuz, Private First Class Carl Araña, at Corporal Creszaldy Espartero.

Tiniyak din ni Brawner ang tulong na ibibigay ng AFP sa mga naulilang pamilya ng apat na nasawing sundalo.

Matatandaang nangyari ang pananambang noong Linggo, March 17 habang pabalik na sa kampo ang mga biktimang sundalo buhat sa pamilihan para mamili ng suplay bilang bahagi ng kanilang community service.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *