AGT contestant, umatras sa kompetisyon

Kinailangan na ng singer na si Jane Marczweski, o mas kilala sa pangalang Nightbirdie, na umatras mula sa kaniyang journey sa “America’s Got Talent” dahil sa lumalalang kondisyon ng kaniyang kalusugan.

Sinabi ni Marczweski sa kaniyang social media post na naging dream come true para sa kaniya ang maging bahagi ng kompetisyon.

Gayunman, sinabi niya na lumala na ang kaniyang kondisyon, at sa ngayon ay kailangan na niyang ibuhos ang kaniyang buong atensyon sa kaniyang paglaban sa cancer.

Ipinunto rin niya sa post, “Life doesn’t always give breaks to those that deseve it—but we knew that already.”

Pinasalamatan naman ng 30-anyos na mang-aawit, na nakatanggap ng golden buzzer sa naturang palabas, ang kaniyang fans para sa kanilang suporta.

Inihayag niya na bubuti rin ang lagay niya, at sinabi na paplanuhin niya pa ang kaniyang hinaharap at hindi ang kaniyang legasiya.

Matatandaan na inawit ni Marczaweski ang kaniyang original song na “It’s Okay” para sa kaniyang audition kung saan ay ibinahagi niya ang kwento ng kaniyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *