Laguna, Aklan, Apayao, inilagay mas istriktong quarantine hanggang August 15

Nalagay mas istriktong modified enchanced community quarantine ang mga probinsya ng Apayao, Aklan at Laguna hanggang August 15 sa gitna ng patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa surge ng COVID-19 cases na pinaniniwalaang pinalala na ng Delta variant.

Iprenesenta ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naturang quarantine classification sa isinagawang Cabinet briefing kagabi.

Kaugnay nito ay binanggit rin sa briefing na malalagay ang Cebu province sa general community quarantine with heightened restrictions hanggang August 15 habang ang Cebu City naman ay mananatiling nasa ilalim ng MECQ.

Samantala, tuloy naman ang pagpapatupad ng pinakaistriktong enhance community quarantine sa Metro Manila mula August 6-20.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *