Air scouring patuloy na isinasagawa sa ilang bayan sa Camarines Sur na pinagsisilbihan ng tubig-inumin ng MNWD

NAGA CITY – Ipinaliwanag ni Metropolitan Naga Water District General Manager Florencio Tam Mongoso Jr. ang ginagawa ng kanilang opisina ngayon, na air scouring na ang ibig sabihin ay paglilinis sa malalaking tubo na siyang daluyan ng tubig na ang pinakalayunin ay mawala ang anumang mga bara tulad ng graba o maliliit na mga bato.

Sa pahayag niya sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Mongoso na ang aktibidad nilang ito ay magre-resulta sa paghina ng supply ng tubig o pansamantalang pagkawala ng tubig sa mga barangay na may operasyon.

Tiniyak niyang nakaagapay naman ang kanilang bagong repair na mga water pumping station, sakaling magkaroon ng malawakang pagkawala ng supply ng tubig sa lungsod at sa lugar na pinagagawan ng air scouring.  

Noon pang isang Linggo, isinagawa na nila ang aktibidad na ito sa Naga City, Magarao, Gainza at ngayon naman ay tinatapos nila ang ilang barangay sa Canaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *