AKB Party-list, planong malagyan ng convention centers ang lahat ng mga lalawigan sa Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Ako Bicol Party-list na pinaplano nilang malagyan ng mga convention centers ang lahat ng mga lalawigan sa Bicol region at mayroong tig-PHP 100M pondo para sa Meetings Incentives Convention Exhibition (MICE) plus Education and Health program.

Ayon kay AKB Party-list Executive Director, Alfredo “Pido” Garbin, Jr., maliban pa rito, ang bawat bayan sa Albay ay mayroong tig-PHP 75M para sa MICE.

Itatayo ang mga proyektong ito sa rehiyon dahil palagi itong dinaraanan ng mga bagyo, kung kaya’t kinakailangang maglagay ng karagdagang mga convention centers upang mayroong mapupuntahan ang mga evacuees.

Paliwanag ni Garbin kung bakit naunang lagyan ng convention center ang Albay ay dahil na rin sa naging venue ang lalawigan sa pag-aaral at trainings disaster risk reduction and mitigation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *