Alert Level 3 itinaas sa Taal Volcano, residente malapit sa bulkan pinalilikas ng Philvocs

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) sa Alert Level 3 ang alert status sa Taal Volcano.

Ayon sa Phivolcs ito ay matapos mamonitor ang short-lived phreatomagmatic burst na sinundan ng phreatomagmatic activity na may kasamang volcanic earthquake.

Nangangahulugan umano ito na mayroong magmatic intrusion sa Main Crater na posibleng magdulot ng pagsabog anumang oras.

Dahil sa aktibidad ng bulkan inirerekomenda ng PHIVOLCS sa mga LGUs malapit sa Taal Volcano Island at mga high-risk barangay na ilikas na ang mga residente dahil sa posibleng panganib ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami sakaling magkaroon ng mas malakas na pagsabog.

Kabilang sa mga lugar na binanggit ng Phivolcs ay ang Bilibinwang at Banyaga, Agoncillo at Boso-boso, Gulod at eastern Bugaan East, Laurel, Batangas Province.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *