Alex Eala, nakamit ang unang panalo sa Mutua Madrid Open sa Spain

Nasungkit ng Filipina tennis player na si Alex Eala ang kanyang unang panalo sa Mutua Madrid Open sa Spain.

Tinalo ng 18-anyos si Lesia Tsurenko ng Ukraine sa tatlong set, 2-6, 6-4, 6-4, sa kanilang Round of 128 kanina sa Arantxa Sanchez Stadium.

Nanghina si Eala sa opening frame ngunit mabilis itong nakabawi sa sumunod na dalawang set para sa Women’s Tennis Association (WTA).

Babalik naman sa court si Eala sa Huwebes para harapin ang No.30-ranked na si Sorana Cîrstea ng Romania.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *