Kristine Hermosa, bukas na makatrabaho ulit si Jericho Rosales

Ibinunyag ng aktres na si Kristine Hermosa na bukas na siyang makatrabaho muli ang dating on-screen partner na si Jericho Rosales.

Ngunit sinabi nitong lahat ito ay nakadepende sa materyal dahil ito ang magsisilbi niyang pagbabalik sa acting.

Kailangan muna aniyang makita ang lahat ng gagawin nilang eksena, pati na rin ang script dahil kailangan maging “worth it” ang project nilang dalawa.

Huling naka-trabaho ni Kristine si Jericho noong 2003 pa.

Sinabi rin ni Kristine na magiging very supportive ang kanyang asawang si Oyo Boy Sotto kung magpasya siyang tumanggap ng mga pelikula at mga proyekto sa telebisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *