Ama, nakapagsabi pa ng ‘I love you’ sa kanyang anak bago tamaan ng kidlat, patay sa Texas

Patay ang isang ama habang sugatan naman ang isa sa kanyang dalawang anak na lalaki sa Texas, USA matapos tamaan ng kidlat.

Ayon sa ulat, susunduin lamang ng biktimang si Matthew Boggs ang kanyang mga anak na sina Grayson at Elijah sa bus stop na karaniwan niya ng ginagawa nang mangyari ang hindi inaasahang insidente.

Nakapagsabi pa umano si Matthew ng ‘I love you’ sa anak na si Grayson habang hawak ang kamay bago tuluyang bawian ng buhay.

Si Grayson na nadamay sa insidente ay kasalukuyang nakikipaglaban sa kanyang buhay sa isang ospital matapos magtamo ng severe brain injury.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *