Joe Alwyn, feeling hurt raw sa rumored romance ng ex GF na si Taylor at Matty

Feeling hurt raw si Joe Alwyn sa rumored romance ng kanyang ex-girlfriend na si Taylor Swift at 1975 lead vocalist na si Matty Healy

Isang insider na malapit kay Joe ang nagsabi sa Daily mail newspaper na nasaktan umano siya sa mabilis na pagmo-move on ni Taylor mula sa kanilang berakup.

Pinipili na lang daw ni Joe na maging abala sa kanyang buhay at pinagtutuunan ngayon ang kanyang sarili.

Noong Abril naging maugong na balitang hiwalay na sina Taylor at Joe matapos ang anim na taong pagsasama bilang magkasintahan. Naging maayos naman daw ang paghihiwalay ng dalawa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *